Ano Ang Ibig Sabihin Ng Html?
Ano ang ibig sabihin ng HTML?
Ang ibig sabihin ng HTML ay Hypertext Mark Up Language.
Ang Hypertext Markup Language ay isang website or webpage development language na ginagamitan ng codes na naiintindihan ng ating mga web browsers. Ang web browser ay isang uri ng program na nakakabasa ng HTML at nakakapag display o pakita ng websites.
Halimbawa ng mga kilalang web browsers ay:
- Mozilla Firefox
- Google Chrome
- Internet Explorer
- Opera
- Safari
Ang codes ng HTML ay ginagamitan ng tags. Ang mga tags na ito ang siyang binabasa ng mga web browser para gumana ang isang HTML file. Ang isang html file ay may file extension na .htm o .html. Ang HTML ay maaaring gawin gamit ang mga word processing software o notepad. Maari ring gumamit ng mga HTML editors gaya ng Dreamweaver.
Para gumawa ng HTML file, maaari mong buksan ang notepad at itype ang mga sumusunod na codes:
<html>
<head>Sample Heading </head>
<title>This is a sample title</title>
<body> This is a sample body </body>
</html>
Pagkatapos itype, isave ang notepad sa pangalan na sample.html .Hindi maaring makalimutan ang .html na extension. Automatic, magiiba ang icon ng iyong html file gaya ng sa web browser. Ang ibig sabihin ng mga codes sa taas ay tags.
Ang HTML <html> tag ay para sa html file.
Ang head tag <head> ay para sa heading o pantaas na titulo ng webpage.
Ang title <title> tag ay para sa pangalan ng webpage na makikita sa iyong web browser.
At ang body ay para nilalaman ng iyong HTML document.
Ang mga tags na ito ay may kapareha </> ang tawag dito ay closing tags.
Para sa iba pang kaalaman tungkol sa HTML:
- HTML stands for : brainly.ph/question/865833
- Syntax in HTML : brainly.ph/question/577247
- Definition of HTML : brainly.ph/question/1831756
Comments
Post a Comment